Naniniwala si Jake Zyrus na balang araw ay matatanggap din ng kanyang pamilya ang tunay niyang pagkatao.
Ito’y sa harap na rin ng pagtutol ng kanyang lolang si Tess Relucio sa pagpapalit niya ng pangalan na dating Charice Pempengco.
Ayon kay Jake Zyrus, ano man ang sabihin nila at ng kanyang lola, magkadugo pa rin sila at mahal niya ang mga ito.
Umaasa rin ang singer na isang araw ay mapagtatanto ng kanyang lola ang kaligayahang nadarama niya bilang si Jake Zyrus.
Magugunitang nagpahayag ng pagkadismaya ang lola ni Jake Zyrus nang magpalit ito ng pangalan noong Hunyo 20 o halos isang buwan matapos silang maghiwalay ng nobyang si Alyssa Quijano.
By Jelbert Perdez
Photo: jakezyrusmusic / Instagram