Umalma si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto sa pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Spokeman James Jimenez na hilaw ang kanyang mga isiniwalat na iregularidad at pag-alter o pagbago sa resulta ng eleksyon noong 2016.
Ayon kay Senator Sotto, namumukhang tagapagsalita si Jimenez hindi ng COMELEC kung hindi ng Smartmatic.
Mas mabuti pa aniya ang sagot ng mga COMELEC commissioner na nagsabimg iimbestigahan ang kanyang ibinulgar na anomalya sa nakalipas na halalan.
Giit ni Sotto, puro palusot ang sinasabi ni Jimenez na hilaw at kulang sa detalye ang kanyang isiniwalat.
Hintayin daw ni Jimenez ang privilege speech niya sa Lunes kung saan ay sasagutin at ipapaliwanag niya ng detalyado o punto por punto ang mga nangyaring iregularidad noong 2016 elections at kung paano binago ang resulta nito.
Muling iginiit ni Sotto na napaka-reliable ng kanyang source ng impormasyon kung saan patutunauan nito ang mga naganap na iregularidad. Handa aniya itong humarap sa pagdinig ng Senado pero sa isang executive session.
By Cely Bueno (Patrol 19)