Rumampa sa Gold House Gala sa Los Angeles, California ang aktres na si Liza Soberano at aktor na si James Reid.
Kabilang ang dalawang celebrity sa mga representative ng Pilipinas para sa nasabing event.
Suot ni Liza ang isang black modern filipiniana at sheer black evening gloves, habang si James naman ay naka-black and gold printed suit.
Samantala, nilinaw ng manager ni Liza na si Ogie Diaz, na walang namamagitan sa dalawa, matapos mamataan ang mga ito sa LA kasama ang ilang kaibigan kamakailan.
Paliwanag ni Ogie, nasa US si Liza para sa isang proyekto ngunit hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye kaugnay dito.