Binalikan ng aktor na si James Reid ang akusasyon ng isang US promoter na hindi sila propesyonal ng kanyang nobyang si Nadine Lustre.
Ito ay matapos umanong hindi siputin ng ‘Jadine’ love team ang inorganisang meet and greet nito sa mga fans.
Sa pamamagitan ng kanyang twitter, sinabi ni James na hindi nila alam na mayroong meet and greet na binuo ang promoter na si Elaine Crisostomo.
Tinawag pa nitong sinungaling si Crisostomo dahil hindi umano kasama ang naturang event sa kontrata dahil tanging ang concert lamang ang napagkasunduan ng promoter at ng Viva na siyang talent agency ng dalawa.
Nag-sorry naman si James sa mga fans na bumili ng tickets.
By Rianne Briones
Photo: Screengrab from James Reid / Instagram