Si James Reid na nga ang bagong Pedro Penduko.
Ito ang kinumpirma ng Viva Films sa opening day ng History Con 2017 sa World Trade Center sa Pasay City.
Ang Kapamilya star umano ang naging top choice para gumanap sa popular na komiks character para sa upcoming film adaptation nito.
Ayon naman kay James, nag-uumpisa na silang mag-taping na magtatagal hanggang sa susunod na taon.
Habang hindi naman nabanggit kung kalian ito ipapalabas.
Samantala, kabilang sa mga gumanap nang Pedro Penduko ay sina Janno Gibbs at Matt Evans.