After five years, maglalabas muli ng album ang actor-singer na si James Reid.
Sa Twitter post ni James, sinabi nito na sa Oktubre gagawin ang album-launching.
Unang nakaplano na gawing Extended Play (EP) ang bagong awitin ni James pero napagpasyahan nitong maglabas na lang ng maraming awitin para sa kaniyang mga fans.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang aktor sa kaniyang album launching pero binigyang-diin nito ang mga katagang #lovescene.
Matatandaang una rito, umugong ang mga balitang makikipag-collaborate ang Own Label Careless Music ni James sa K-Pop Agency na Starship Entertainment.
Ito ay matapos bumisita sa Agency ang aktor kasama si Careless CEO Jeffrey Oh at ang aktres na si Liza Soberano.