Inamin ngayon ni James Yap na nagkaroon sila ng ilangan ng kanyang anak na si Bimby nang magkita sila matapos ang ilang buwan.
Ayon kay James, naintindihan niya kung bakit naging ganoon ang reaksyon ng kanyang anak dahil sa ilang isyu.
Ngunit sa ngayon ay tapos na aniya ito at nakabawi na rin siya sa kanyang anak.
Hindi naman ibinulgar pa ni James ang naging isyu sa pagitan nila ng kanyang anak o ng ina nitong si Kris Aquino.
By Rianne Briones