Aminado ang basketball player na si James Yap na nagulat ito sa pagdalaw ng dating asawang si Kris Aquino.
Gayunpaman, labis ang kagalakan ni Yap dahil iyon ang daan para magkita ang panganay niyang anak kay Kris na si Bimby at bagong silang na anak na si Michael James sa kanyang Italian girlfriend.
Ayon kay James, si Kris mismo ang nagtext kay James tungkol sa pagdalaw nila ni Bimby sa kanila.
Nakatutuwa aniyang makita si Bimby na excited sa pagiging kuya.
By: Avee Devierte