Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Enero 25 bilang day of National Remembrance sa sakripisyo ng 44 na miyembro ng SAF o Special Action Force na nasawi sa Mamasapano, Maguindanao.
Ito ay sa pamamagitan ng kanyang inilabas na Proclamation Number 164.
Sinabi ng Pangulong Duterte na kasabay ng paggunita ng mga Pilipino sa kabayanihan ng SAF 44, ay ang pag – alaala sa patuloy na pagsasakripisyo ng mga sundalo at pulis upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa ating bansa.
Magugunitang noong Enero 25, 2015 ay nasawi ang SAF 44 habang isinisilbi ang warrant of arrest laban sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at Basit Usman.
By: Katrina Valle / Aileen Taliping