Dumistansya si Janella Salvador sa paghihiwalay ng onscreen partner na si Elmo Magalona at ng aktres na si Janine Gutierrez.
Sa isang interview pinabulaanan ni Janella na siya ang dahilan ng break-up ng dalawa.
“Yung reaction ko diyan, wala. As long as I know na wala naman akong ginawang masama, I’d rather stay out of it kasi I’m really not involved naman talaga,” Pahayag ni Janella.
Idinagdag din ni Janella na malungkot siya para sa kaibigang si Elmo at sinigurong kung kailangan nito ang kanyang comfort sa pinagdadaanan nito ngayon ay handa naman siyang ibigay ito sa aktor.
“I’m always going to be here for Elmo, siyempre more for Elmo because he’s my friend. If I have to comfort him, I’m going to be here naman.”
Nang tanungin kung may pag-asa ba ang binata sakaling manligaw ito sa kanya ay sinabi ng aktres na: “Tignan natin. We need time.”
Magka-date ang dalawa sa nakaraang Star Magic Ball na una nang nagkapareha sa teleseryeng ‘Born For You’.
Photo: Screengrab from superjanella / Instagram