Magkasama ang ex-couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson sa ginanap na baptismal at 2nd birthday party ng anak nilang si baby Jude.
Makikita sa instagram account nina Markus at Janella, binati nila ang kanilang anak sa kaarawan nito.
Batay naman sa post ng nanay ni Janella na si Jenine Desideriosa Santuario De San Antonio sa Forbes park ginanap ang binyag ni baby Jude at isinagawa naman ang party sa ibang venue.
Maraming netizen naman ang natuwa na magkasama sa isang frame ang magulang ni baby Jude kung saan magandang memories ito para sa bata na makitang kumpleto silang tatlo.