Masayang ibinahagi ng aktres na si Janella Salvador, 22 sa kanyang instagram post habang bitbit ang kanyang panganay na anak ang karanasan bilang isang ina.
“This has been life for me recently. Wake up, change nappies, feed the bubba, try to go back to sleep, put cocomelon on tv, read some colorful books, burp the bubba, bathe the bubba, do a little house organizing, have friends and family visit…. all that jazz — and I’m not complaining,″ batay sa instagram post ni Janella.
Ayon sa aktres, nasasabik na siyang bumalik muli sa trabaho subalit nilalasap pa niya ang karanasan bilang isang hands-on mother sa kanyang baby na si Jude.
“I’m excited to go and start working very soon but I’m enjoying every bit of being a hands-on mum. This is the happiest I’ve ever been,” pahayag ng ni Janella sa kanyang caption sa kanyang instagram post.
Matatandaang nito lamang Pebrero umuwi ng bansa si Janela kasama ang kanyang asawa na si Paterson at kanilang anak mula sa United Kingdom.—sa panulat ni Agustina Nolasco