Tutuol sa Justice Secretary Menardo Guevarra na agad isailalim sa kostudiya ng Department of Justice Si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim – Napoles
Ito’y ayon kay Guevarra ay dahil nasa provisional lamang ang aplikasyon nito sa Witness Protection Program (WPP) ng DOJ.
Sinabi ni Guevarra sa inihain niyang manifestation sa Sandiganbayan 3rd Division na hindi pa pinal ang aplikasyon ni Napoles sa WPP.
Subject for Approval pa aniya ang aplikasyon ni Napoles dahil kailangan muna nitong kumpletuhin ang lahat ng mga requirements sa ilalim ng Witness Protection Law.
Maliban pa riyan, may kinahaharap ding hiwalay na kaso sa Sandiganbayan si Napoles kaya’t ito aniya ang siyang masusunod kung saan dapat ipiit ang pork barrel scam queen.