Hindi maaaring i-extradite sa Estados Unidos si Janet Lim Napoles upang malitis sa kasong money laundering.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaari lamang isuko sa Amerika ang isang akusado kung may kinakaharap rin itong kaso sa sarili niyang bansa.
Tinukoy ni Roque ang kasong plunder laban kay Napoles, na akusado ng pagiging mastermind sa sampung (10) bilyong pisong pork barrel scam.
Sinabi ni Roque na maaari lamang i-extradite ang isang akusado ng krimen sa ibang bansa pagkatapos ng paglilitis sa kanyang kaso dito sa Pilipinas.
Gayunman, ang mga kapwa akusado aniya ni Napoles tulad ng kanyang mga anak at kamag-anak ay puwedeng i-extradite kung wala silang kinakaharap na kaso dito sa bansa.
—-