Isinailalim na sa Witness Protection Program o WPP ng DOJ ang umano’y pork barrel scam queen na si Janet Lim Napoles.
Sa isang dokumento na inilabas ng DOJ, si Napoles ay “provisionally covered” ng WPP simula noong Pebrero 27 ng kasalukuyang taon.
Kasong plunder at graft ang kinakaharap ni Napoles na may koneksyon sa naturang scam kung saan nakitaang mayroong bilyun-bilyong pisong halaga ng Priority Development Assistance Funds o PDAF ang napunta o inilagay sa mga bogus na proyekto ng mga pagmamay-ari niyang non-government organizations.
Layon ng WPP na hikayatin ang isang tao na may nalalaman sa isang krimen na humarap at tumestigo sa Korte o sa kahit sinong awtoridad na nagiiimbestiga kasabay ng pagbibigay proteksyon dito.
Matatandan na na-absuwelto si Napoles sa kasong serious illegal detention at ikinukonsidera na noon na gawing state witness sa planong muling pag-iimbestiga sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scandal.
Napoles pasok na sa WitnessProtectionProgram ng DOJ @dwiz882pic.twitter.com/CcZVcVbw0D
— Jill Resontoc – DWIZ -882 AM radio (@JILLRESONTOC) March 16, 2018
DOJ custody
Kasabay nito ay hiniling din ni Napoles sa 1st Division ng Sandiganbayan na ilipat siya sa kustodiya ng Department of Justice mula sa kanyang kulungan ngayon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ayon sa mosyon ni Napoles, dapat ay mailipat na siya agad sa kustodiya ng DOJ upang magampanan ng mga ito ang kanilang tungkulin na mabigyan siya ng seguridad.
Binanggit din ni Napoles sa kanyang mosyon, na sa ilalim ng Republic Act 6981 ay maaring mailagay sa isang secure na housing facility ang mga sakop ng WPP para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.
Sa ngayon ayon sa DOJ ay pinag-aaralan nila ang hirit na ito ni Napoles.
Mga senador, nagpahayag ng iba’t ibang reaksyon sa pagkuha kay Napoles bilang testigo sa pork barrel scam
Ikinagulat ng ilang senador ang ginawang hakbang ng prosekusyon na gawing state witness sa pork barrel fund scam si Janet Lim Napoles.
Ayon kay Senate President Koko Pimentel, hindi kapani- paniwala ang “crazy development” na ito dahil mismong si Napoles aniya ang nag imbento, nag–organisa at nagsakatuparan ng PDAF scam.
Para naman kay Senador JV Ejercito, malaking setback ito sa kampanya ng gobyerno laban sa katiwalian kaya nanawagan aniya siya kay Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang trabaho ng Department of Justice.
Hindi naman na ikinagulat ni Senadora Risa Hontiveros ang nasabing hakbang at inaasahan na rin niya na ihaharap ng administrasyon si napoles para magturo ng mga iba pang sangkot sa pork barrel scam.
Sinabi naman ni Senador Gringo Honassan na “judgement call” na ito ng kahilim ng DOJ dahil maaari pa Itong dumaan sa pag-repaso at posibleng reversal at modification
Sen Panfilo Lacson on Napoles as state witness @dwiz882 pic.twitter.com/8HA46ZY68k
— Cely O. Bueno (@OBueno) March 16, 2018
SP Pimentel on Janet Napoles now at WPP.
Wat an unbelievable “crazy” devt. Do some people in the DOJ really believe that Janet Lim Napoles is qualified to be a state witness in the PDAF scam which she herself invented organized and perpetuated???@dwiz882— cely bueno (@blcb) March 16, 2018
Ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)