Handang tanggapin ng DOJ o Department of Justice si Pork Barrel Scam Queen Janet Lim Napoles sa WPP o sa Witness Protection Program ng gubyerno sakaling hilingin nito.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, wala siyang nakikitang ligal na balakid para hindi maisailalim si Napoles sa naturang programa lalo’t malaki aniya ang nalalaman nito sa kontrobersyal na PDAF o Priority Development Assistance Fund scam.
Kinumpirma rin ni Aguirre na may nangungumbinsi kay Napoles na magsalita na para maisiwalat ang lahat ng kaniyang nalalaman hinggil sa naturang anomalya maging ito man ay kaalyado o hindi ng nakalipas na administrasyon.
Giit ni Aguirre, hindi pa tapos ang imbestigasyon sa naturang anomalya dahil inuna pa lamang i-audit ng nakalipas na administrasyon ang mga kalaban nito sa pulitika habang may mga sangkot pa aniya rito na hindi pa rin nasasampahan ng kaso.