Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi makalalabas ng kulungan kailanman si Janet Lim Napoles.
Ito ay matapos na magdesisyon ang Department of Justice na ipasok sa Witness Protection Program ang tinaguriang pork barrel queen.
Giit ni Aguirre, hindi ito makakaapekto sa kasong plunder na kinahaharap ni Napoles sa sandiganbayan at wala itong pag – asa na maibaba sa isang non – bailable offense.
Nilinaw pa ni Aguirre na si Napoles ang nag-apply sa WPP at hindi ang DOJ ang gumawa ang inisyatibo.
Wala rin umanong inalok na anumang deal ang gobyerno kay Napoles bilang kapalit ng kanyang pagkakapasok sa WPP.