Inalis ng Department of Justice o DOJ ang provisional coverage ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles sa Witness Protection Program o WPP.
Ito’y dahil wala namang banta sa seguridad ni Napoles sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig City kung saan siya nakapiit.
Inissue ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang notice of termination kay Napoles sa pamamagitan ng mga counsel nito epektibo kahapon, Mayo 25.
Si Napoles ang sinasabing utak ng 10 billion peso pork barrel fund scam na kinasangkutan din umano ng maraming mambabatas.
—-