Iginiit ng beteranang aktres at host na si Janice de Belen na hindi na siya muling magtatrabaho kasama ang dating asawa na si John Estrada.
Ito ay matapos itanong ng kanilang anak na si Kaila sa isang mother’s day episode kung posible pa bang magsama sa isang proyekto ang kaniyang mga magulang.
Ayon kay Janice, bukas siyang makatrabaho ang dating karelasyong si Aga Mulach pero sarado na ang kaniyang pinto para kay John.
Paliwanag niya, naging mag-asawa kasi sila ni John at ang mga bagay na kanilang pinagtalunan noon ay hindi maliit na bagay lamang na nagdulot ng tuluyan nilang paghihiwalay.
Pero nilinaw ni Janice na nananatiling civil ang relasyon nila ng dating asawa.