Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ni Kapuso actress Janine Gutierrez sa kaniyang bagong morning serye.
Magsisimula na sa Lunes, alas-11:00 ng umaga ang seryeng Dangwa na ipinangalan sa popular na bilihan ng mga bulaklak sa Maynila.
Ang kuwento ay iikot sa karakter ni Janine, ang misteryosang si Rosa na bawat linggo ay magbibigay ng bulaklak sa iba’t ibang tao na magkakaroon ng kani-kanilang lovelife.
Pero si Rosa mismo ay mayroong sariling love story kung saan pinag-aagawan siya nina Aljur Abrenica at Mark Herras.
By Judith Larino