Kinumpirma ni Kapamilya actor Paolo Avelino ang paglipat ni Janine Gutierrez sa Kapamilya network bilang leading lady niya sa pelikulang ″Ngayon Kaya″.
“It’s with our newest Kapamilya, Janine Gutierrez.” Pahayag ni Avelino sa isang media conference nitong lunes, bilang pagpapakilala kay Janine.
Ayon kay Avelino, posibleng sa Marso o Mayo maipalalabas ang binubuo nilang pelikula sa direksyon ni Prime Cruz.
Matatandaang una nang nakansela ang pelikulang ‘Ngayon Kaya’ dahil sa nararanasan natin ngayong pandemyang COVID-19. —sa panulat ni Agustina Nolasco