Wagi sina Janine Gutierrez at Elijah Canlas sa mga major award sa 43rd Gawad Urian.
Itinanghal na best actress si Gutierrez para sa pelikula niyang ‘Babae At Baril’.
Tinalo ng Kapuso actress sa nasabing category sina Nadine Lustre sa pelikulang Ulan, Kathryn Bernardo ng Hello Love Goodbye at Bela Padilla ng pelikulang Mañanita.
Napasakamay naman ni Elijah ang best actor trophy dahil sa pagganap niya sa pelikulang Kalel, 15.
Tinalo ni Elijah sina Alden Richards ng pelikulang Hello Love Goodbye, Raymond Bagatsing ng pelikulang Quezon’s Game at anim na iba pa.
Ang naturang pelikula rin ni Eliah ay nagwagi sa 17th Asian Film Festival sa Roma.