Lilipat na ng bakuran ang aktres na si Janine Gutierrez simula sa susunod na taon.
Batay sa ulat, inaasahan ang pagpirma ni Janine ng kontrata sa ABS-CBN sa Enero.
Siyam na taon na exclusive contract star si Janine sa Kapuso Network Inc.
Noong November 1, 2020, natapos ang kontrata ni Janine sa talent management agency ng GMA Network Inc. pero hindi na nagkaroon ng contract renewal ang magkabilang-panig.