Inaasahan ng gobyerno na malaki ang maitutulong ng Janssen Vaccine upang mapabilis o mapataas ang bilang ng mga naturukan kontra COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, mas mabilis na makakamit ng pamahalaan ang 54-M target na fully vaccinated na Pilipino sa tulong ng one dose Janssen Vaccine.
Matatandaang bigong naabot ng gobyerno ang 7-M target sa pagbabakuna na isinagawa ng gobyerno mula December 15 hanggang 17 sa mga lugar na hindi naapektuhan ng bagyong Odette.
Sa ngayon, nakabalik na ang vaccination activities sa mga lugar na sinalanta ng bagyo kabilang na ang Region 5, Region 4b, Region 6, 7, 8 at CARAGA. —sa panulat ni Angelica Doctolero