Bumagal ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong Enero.
Batay sa datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority o PSA bumagal ng 4.4 percent ang pagtaas ng presyo ng bilihin kumpara sa 5.1 percent na naitala noong December 2018.
Ipinaliwanag ng PSA na ang pagbagal ng inflation sa buwan ng Enero ay dahil sa pagbaba ng presyo ng pagkain, sigarilyo, alcoholic at non-alcoholic beverages at pamasahe.
Ayon sa national statistician na si Lisa Grace Bersales, ito ang pinakamababang annual rate mula noong Abril ng nakaraang taon.
—-