Inaprubahan ng Kamara sa Ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagdedeklara tuwing ika-23 ng Enero bilang araw ng unang Republika ng Pilipinas.
Layon ng House Bill Number 477 na gawing special working holiday sa buong bansa ang January 23.
Ayon sa National Historical Commission of the Philippines, bagaman sandali lamang ang itinagal ng unang Republika ng Pilipinas, iyon ang naging hudyat na marinig ng buong mundo ang tungkol sa bansang Pilipinas.
Magugunitang January 23, 1899 nang ideklara ang unang Republika sa Barasoain Church sa Malolos, Bulacan.
By: Avee Devierte