Tinatayang maitatala ang 2.5 hanggang 3.3 percent na headline inflation ngayong Enero.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at mga pangunahing pagkain, paggalaw ng bayad sa tubig at buwis ang dahilan ng upward price pressures.
Gayunman, ang upward price pressures na ito ay bahagyang mapapagaan ng mas mababang presyo ng bigas at singil sa kuryente.
Matatandaang pumalo sa 2.9% ang inflation rate noong Disyembre, dahilan para maitala ang 3.2% na 2024 average inflation rate.
Ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang January 2025 inflation data sa Miyerkules, Pebrero 25. – sa panulat ni Laica Cuevas