Matinding body transformation ang nangyari sa aktor na si Janus del Prado na nagpahanga sa maraming netizens.
Ito’y makaraang mabawasan ng aabot sa 60 pounds ang timbang ni del Prado.
Sa kanyang Instagram account, isiniwalat ni del Prado na mula sa 210lbs ay bumagsak ang kanyang timbang sa 150lbs.
Dahil dito, maraming netizens ang na-inspire at natuwa sa achievement o fitness journey ni del Prado kung saan pati ang aktres na si Judy Ann Santos at ang mister na si Ryan Agoncillo ay bumilib din sa aktor.