Pasok ang Pilipinas sa mga bansang makakatanggap ng anti-flu drug mula sa Japan bilang experimental medicine kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kinumpirma ito ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos iahayg ni Japanese Foreign Minister Toshimitsu Motegi na kabilang ang Pilipinas sa 38 bansa na padadalhan ng gamot na favipiravir o mas kilala sa brand name na avigan.
Sinabi ni Vergeire na pinag aaralan pa ng PHG at DOH ang protocol sa gagaing clinical trial ng nasabing gamot.
Tinukoy naman ni Vergeire ang mga gamogt na susubukan sa solidarity trial na kinabibilangan ng remdesivir, chloroquine o hydrocholorquine ang mga gamot laban sa hiv na lopinavir kasama ang retonivir at interferon beta-1a.
Ayon sa DOH, 20 ospital sa bansa ang sumali sa solidarity trial kung saan 500 pasyente ang nakatakdang sumailalim sa nasabing clinical trial.
Binigyang diin ng DOH na tulad ng avigan drug ang mga gamot na gagamitin sa malawakang clinical trial ay posibleng magdulot ng side effect sa paggagamitang pasyente.