Bukas ang Japan sa pagkakaroon ng maritime security cooperation sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Japanese Defense Minister Kenjie Wakamiya matapos ang turn-over ceremony ng dalawang segunda manong TC-90 trainer aircraft sa Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite.
Ayon kay Wakamiya, kadalasang nakararanas ng mga kalamidad ang Japan at Pilipinas kaya’t nais nilang magkaroon ng kooperasyon ang dalawang bansa sa aspeto ng humanitarian assistance at disaster relief operations.
Bukod dito ay nais din nilang tumutok sa maritime security sa hinaharap lalo’t matatagpuan ang Pilipinas sa isa sa pinaka-mahalagang sealines na nag-uugnay sa Japan.
By Drew Nacino