Handang pondohan ng Japanese Government ang rehabilitasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).
Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez the Third, 38.1 Bilyong Yen o katumbas ng 18.4 na Bilyong Piso ang handang ipautang ng Japan para sa pagsasaayos ng MRT.
Sinabi ni Dominguez na bukod pa ito sa naunang ipinangakong tulong ng Japan sa iba pang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan tulad na lamang ng pondo para sa Philippine National Railways North 2 Project.
Nabatid na naselyuhan ang naturang kasunduan sa ginanap na Fifth Philippines-Japan Joint Committee on Infrastructure Development and Economic Cooperation sa tokyo.