Inakusahan ng China ang Japan ng pakikialam sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito’y bunsod ng planong pag-aarkela ng Pilipinas ng 5 military plane ng Japan na magpapatrolya sa nasabing teritoryo.
Una nang ipinaalam ni Pangulong Benigno Aquino III na aarkelahin ng gobyerno ang limang TC 90 training aircraft ng Japan upang makatulong sa hukbong dagat ng Pilipinas.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Hong Lei, mahigpit na tinutulan ng China ang nasabing hakbang at itinuturing na hamon ito sa kanilang soberanya.
Dahil dito, mananatili umanong alerto ang China.
By Avee Devierte