Nakapagtala na rin ng kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang Japan.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Hirokazu Matsuno, nagpositibo sa Coronavirus ang 30-anyos na lalaking nanggaling sa Namibia.
Nananatili aniya sa isang medical facility sa Japan ang naturang pasyente at batid na rin ng mga otoridad ang mga nakasalamuha nito.
Matatandaang, agad na isinara ng naturang bansa ang kanilang mga border upang hindi makapasok ang Omicron variant na itinuturing na ‘variant of concern’ ng World Health Organization (WHO).—sa panulat ni Hya Ludivico