Ipadadala ng Japan ang isa sa kanilang pinakamalaking warship upang samahan ang tatlong US aircraft carriers sa joint military exercises sa Korean Peninsula.
Maglalayag ang Japanese Hyuga-Class Helicopter Carrier JDS Ise, guided missile destroyer na JDS-Inazuma at JDS Makinami kasama ang Uss Ronald, USS Nimitz at USS Theodore Roosevelt sa Sea of Japan at East China Sea, bukas.
Ito ang kauna-unahang beses na magsasama-sama para sa naval exercises ang tatlong US Super aircraft carriers bilang show of force habang nasa Asya si US President Donald Trump.
Bukod sa Amerika at Japan, lalahok din sa nabanggit na aktibidad ang South Korea.
—-