Magkakaloob ng karagdagang tatlong Beechcraft TC-90 Trainer Aircraft ang Japan sa Philippine Navy sa susunod na linggo.
Ayon kay Philippine Navy Captain Lued Lincuna, ang tatlong naturang aircraft ay ang kukumpleto sa limang aircraft na ipinangako ng Japan.
Nakatakda umano itong dumating sa Lunes sa base militar sa Cavite.
Sinabi naman ni Defense Spokesman Arsenio Andolong na inaasahang makakatulong ang mga ito sa pagpapaigting pa ng mga isinasagawang aerial surveillance sa mga binabantayang teritoryo ng Pilipinas.