Mamamahagi ng bigas ang Japan sa mga residente ng Iligan na pinaglikasan ng mga residenteng naipit sa kaguluhan sa Marawi City.
Sa harap ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit, nangako si Japanese Prime Minister Shinzo Abe na magbibigay ang kanyang bansa ng bigas sa mga naapektuhan ng krisis sa Marawi.
Sa pamamagitan din ng ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve o APTERR ay magsusuplay din aniya ng bigas ang Japan sa Laos at Myanmar.
Samantala, nakiusap naman si Abe na alisin ang import control sa mga pagkain mula Japan na ipinatupad noon pang 2011 kasunod ng malakas na lindol at nuclear crisis sa kanilang bansa.