Nanguna ang Japan sa mga bansang may pinakamakapangyarihang passport sa buong mundo.
Batay sa inilabas na ulat ng Henley Passport Index, ang mga may hawak ng Japanese passport ay maaaring makapagbiyahe sa 189 na bansa na hindi kinakailangan ng visa.
Nasa ikalawang puwesto naman ang Singapore na dating nangunguna sa listahan at Germany na maaaring magbiyahe sa 188 na bansa sa mundo.
Aabot naman sa 187 na bansa sa mundo ang maaaring puntahan ng mga passport holder mula sa mga bansang Finland, France, Italy, Sweden, Spain at South Korea na nasa ika-apat na puwesto.
Pang-apat ang Norway, United Kingdom, Austria, Luxemburg, Netherlands, Portugal at Amerika na visa free sa 186 na bansa.
Nasa ika-siyam na puwesto naman ang Malaysia kasama ang Hungary at Slovenia na nakapagbabiyahe sa 180 na bansa.
Naka ika-pitumpung puwesto naman ang Pilipinas, Azerbaijan, Dominican Republic at Tunisia na maaari lamang makapagbiyahe sa 66 na bansa.
—-