Nag alok ng tulong ang Japan sa Pilipinas para labanan ang problema ng bansa sa piracy at kidnapping.
Ayon kay Defense Assistance Secretary Raymund Quilop ipinaabot ni Vice Minister Ro Manabe sa pakikipag pulong kay Defense Undersecretary Ricardo David ang nasabing alok na ginawa rin nito sa Indonesia at Malaysia.
Kasabay nito kinilala ng Department of National Defense ang kontribusyon ng Japan para sa upgrade sa defense at military establishment kabilang ang pag lease ng limang TC-90 maritime patrol aircraft.
By: Judith Larino