Nagbabala ang Japan weather agency sa banta ng baha, pag-apaw ng ilog at mudslides na buong Japan.
Ito ay dahil sa malakas na pag-uulan mula nitong nakaraang linggo na nag-iwan ng walong nasawi.
Ayon sa ahensya, mas marami pang ulan ang asahan na tatama sa mga lugar sa Western hanggang sa Northern parts ng Japan hanggang Huwebes.
Patuloy naman ang isinasagawang paghahanap sa mga nawawalng tao dahil sa masamang lagay ng panahon.—sa panulat ni Rex Espiritu