Nag-donate ng milyung-milyong halaga ng equipment ang Japanese government para sa rehabilitason ng Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City.
Ayon sa Japanese International Cooperation Agency o JICA, ito’y kinabibilangan ng rescue at fire-fighting vehicles, baggage x-ray inspection systems, at metal detectors na nagkakahalaga ng 237 million yen.
Sinabi ni Senior JICA Rep. Tetsuya Yamada na makatutulong ang mga naturang equipment sa patuloy na pagbangon ng lungsod matapos manalanta ang bagyong Yolanda noong 2013.
Dagdag ng JICA, ang equipment assistance ay bahagi ng 4.6 billion yen grant aid program ng ahensya para sa mga naapektuhan ng super typhoon.
By Jelbert Perdez