Nagkaloob ang gobyerno ng Japan ng medical equipment na nagkakahalaga ng P198 million sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa, ang nasabing donasyon ay ipapamahagi sa 10 ospital, kabilang ang dialysis machines at icu beds.
Layon aniya nito na mapabuti pa ang kalidad ng health services sa rehiyon.
Nabatid na noong Abril ay nakatanggap rin ng sea ambulances at iba pang medical equipment ang BARMM ministry of health mula sa Japanese government at international organization for migration.