Nagdeklara ng nationwide state of emergency ang Japan sa harap ng lumalalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon sa pamahalaan ng Japan, paiiralin ang state of emergency hanggang sa ika-6 ng Mayo.
Kasunod nito, sang-ayon sa deklarasyon, pinapayagan nito ang mga regional governments na hikayatin ang mga residente nito na manatili sa kanilang kabahayan.
Nauna rito, idineklara ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe noong ika-8 ng Abril ang isang buwang state of emergency sa pitong rehiyon sa bansa.
Samantala, depensa ni Abe, kaya aniya ginawa ang hakbang ay dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19.