Pinagkalooban ng tatlong patrol watercrafts ang pamahalaan ng Japan ang Philippine Coast Guard bilang pagbibigay suporta sa pagpapalakas ng maritime security ng bansa.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesperson Commander Armand Balilo, ang mga nasabing Rigid Hull Inflatable boats ay ipinangako pa noong nagtungo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.
Nagkakahalaga aniya ang mga nasabing bangka ng 600 Million Yen at magiging malaking tulong sa coast guard sa paglaban sa terorismo at piracy.
Nangako rin ang Japan na muling magbibigay ng pito pang mga patrol watercrafts sa susunod na taon at magpapatayo ng apat na radar stations sa Sibutu Passage sa Sulu.