Naghahanda na ang Japan sakaling matuloy ang banta ng North Korea na bobombahin ang Guam.
Sa ulat ng NHK at Kyodo News, ipinag-utos na ng Japan Defense Ministry ang pagdedeploy sa kanilang patriot missile defense system sa Shimane Hiroshima at Kochi na posibleng daanan ng missile ng North Korea.
Nagdeploy na rin sila ng anti missile system sa ehime habang isang maritime self Defense Force Aegis destroyer ang inilagay sa Sea of Japan para pabagsakin ang anumang missiles.
Matatandaang, sinabi na noon ng Japan na kanilang pababagsakin ang mga North Korean rockets na maglalagay sa panganib sa kanilang teritoryo.