Inilunsad na ng Japan ang kanilang anti-terrorism intelligence unit bilang paghahanda sa 2020 Tokyo Olympics.
Napaaga ng apat na buwan ang paglulunsad ng international counter terrorism intelligence unit dahil sa Paris attacks.
Ayon kay Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga ang naturang special unit ay mapapabilang sa kanilang Foreign Ministry.
Matatandaan na napagdesisyunan ng Japanese government na mag set-up ng anti-terrorism panel upang matutukan nila ang seguridad ng kanilang mamamayan.
By Mariboy Ysibido