Nalagdaan na ang kasunduan kaugnay sa pagpapa-utang ng dalawang bilyong yen o katumbas ng mahigit 900 milyong piso bilang ayuda sa isinasagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, malaki ang maitutulong ng naturang pondo lalo na sa pagpapatayo ng mga imprastraktura partikular na ng mga kalsada.
Bukod dito mayroon pa aniyang 902 priority projects sa Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan ang nangangailangan ng 55 bilyong pisong budget.
Sa ngayon umaabot na sa 36 milyong dolyar ang halaga ng tulong ng Japan para sa relief and rehabilitation operations sa Marawi City.
—-