Nakapagtala ng mahigit 800 bagong kaso ng COVID-19 ang Japan.
Nangyari ito isang araw matapos manawagan sa Japanese government ang mga gobernador na magdeklara ng ikalawang state of emergency bunsod ng patuloy na pagtaas ng coronavirus cases sa kanilang bansa.
Una nang binalewala ni Prime Minister Yoshihide Suga ang mga panawagan ng mga lokal na opisyal dahil hindi pa aniya ganap na nakakabangon ang kanilang ekonomiya.
Gayunman, nilinaw ng economy minister ng Japan na ikokonsulta muna nila ang usaping ito sa mga health experts.