Nakatakdang magbigay ng Astrazeneca vaccine ang Japanese government sa pamahalaan ng Pilipinas.
Ito ang ini-anunsyo ni Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa kung saan sinabi nito na ipadadala agad ang donasyong bakuna sa bansa.
Gayunman, sinabi naman ni Finance Sec. Carlos Dominguez III na wala pang nabanggit ang Japanese government kung ilang dose ng Astrazeneca vaccine ang kanilang ibibigay sa bansa.