Nagpaabot ng pakikiramay ang bansang Japan sa mga biktima ng sunod-sunod na paglindol sa Mindanao.
Sa pahayag na inilabas ni Japanese Ambassador Koji Haneda, naiintindihan aniya nila ang kalagayan at hirap na dulot ng lindol dahil isang earthquake prone country rin ang Japan.
Sinabi pa ni Haneda na nakiki-isa ang bansang Japan sa pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas. Magugunitang ang Pilipinas at Japan ay ilan lamang sa mga bansa na nasa loob ng pacific ring of fire na madalas tinatamaan ng lindol at bagyo.