Namahagi ng donasyon ang bansang apan sa mga magsasaka sa ilang lalawigan sa bansa.
Layunin nitong maitaguyod ng mga farmer ang kanilang sariling produkto sa pamamagitan ng mga refrigerated trucks mula sa naturang bansa.
Ayon sa embassy of Japan in the Philippines, kabilang sa mga nakatanggap ng refrigerated trucks ang Rizal, Laguna, at Antique na magpapatipid sa gastusin ng mga magbubukid kabilang na ang transportasyon, oras ng paghahatid, at kalidad ng produkto.
Pinangunahan ng isang non-government organization ang pamamahagi ng tulong ng bansang Japan, na inaasahang sasalo sa pasanin; kokontrol sa gastos; at magpapataas ng kita ng mga magsasaka.